HASAREN

Kabanata 3

Hindi pa rin matanggal ni Bernard ang takot niya kay Osing. Paminsan-minsan ay nagiging laman pa ito ng panaginip niya — masamang panaginip. Hindi na niya ito kinausap pa mula nang araw na iyon at iniwasan na rin niyang magshortcut sa madalas tambayan ng matanda.

      Samantalang si Osing naman ay tuloy lang sa nakaugalian nitong pagwawalis at paglilinis sa bakuran nila. Lagi pa rin itong makikitang nakaupo sa waiting shed na kulay pink sa tapat ng gate ng Maximum Security Compound. Paminsan-minsan ay nawiwili ito sa panonood ng mga naglalaro ng basketball sa katabing court ng nagbebenta ng turon at buko juice.

    Hanggang sa isang hapon, habang dahan-dahan sa paglalakad ang matanda papunta sa paborito niyang tambayan, nadaanan niya ang isang grupo ng mga kabataan na may pinag-aawayan malapit sa Sunken Graden. Hindi niya maintindihan kung anong pinagtatalonan nila pero napahinto siya nang makitang kasama si Bernard sa grupo na yon. Lalo pa siyang natigilan nang itulak ng isa sa kanila si Bernard at muntikan na itong matumba.

    Saka lang naintindihan ni Osing na hindi kasama si Bernard sa grupo, kundi siya ang balak pagtulongan ng mga ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa kanila at saka tinapik sa balikat ang isang kabataan na nakasumbrero ng itim na baseball cap. Sa gulat nito ay natapik niya ang kamay ng matanda saka ito lumayo ng kaonti.

“Hindi niyo ba pwedeng pag-usapan muna?” salita ni Osing habang nakatingin kay Bernard. Dugoan na pala ang nguso nito at halatang nasikmuraan na dahil nakahawak ang isang kamay nito sa tiyan.

Tay wag na po kayong makialam, tuturoan lang po namin to ng leksiyon.”

“Pauwiin niyo na siya, saka niyo na upakan pag wala ako.” aniya.

“Oh di umalis kayo. Ano niyo ba to?” matapang na sagot ng may hawak sa damit ni Bernard.

Kaibigan.”

Advertisements
Advertisements

    Nag-alala si Bernard sa maaaring sapitin ng matanda kapag nagpatuloy pa ito sa pangingialam sa kanila. Alam niyang dati itong con, pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala dahil sa mahina na ito at halos hindi na nga makalakad ng maayos.

“Pwede ba tay umalis na kayo. Wag po kayong mag-alala, ayaw namin na makulong.”

“Sige, aalis na ako. Pero wag niyong sabihing hindi ko kaya binalaan.” paalala sa kanila ni Osing at umalis na ito at hindi na muling lumingon pa sa kanila.

“Sino yun?” tanong ng isa sa grupo.

“Hindi ko siya kilala.” tanggi niya. Naramdaman na lang ni Bernard ang paglapat ng kamao nila sa pisngi niyana sinundan pa ng pagsipa sa tagiliran niya.

       Nang gabing yon ay nagkulong na lang sa kwarto niya si Bernard matapos siyang umuwing bugbog sarado. Napapasigaw siya sa hapdi ng betadine habang ginagamot siya ng ate niya.

“Dahan-dahan naman ate.” reklamo niya.

Ang arte mo, gusto mo dagdagan ko pa yang pasa mo? Lalo na pag nakita yan ni Papa, tsk tsk.” Napapailing na sagot ng ate niya.

“Wag mo na ko isumbong. Baka hindi lang bugbog abotin ko dun.”

    Napangiti na lang ang ate niya.

“Iwanan na kita ha, dito ka lang, wag kang lalabas hangga’t hindi pa gumagaling yang black eye mo.

“Oo na.”

       Kinabukasan, pag-alis ng papa niya, agad na lumabas si Bernard para magpahangin. Nakita niya itong nagwawalis sa labas nila na nakangiting nakatingin sa kaniya. Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito dahil sa mga pasang inabot niya o masaya lang ito dahil sa nakita siyang buhay pa.

     Pagdating ng mama niya nong hapon na yon, agad siya nitong pinuntahan sa kwarto niya.

“Hoy, yong grupo ba nila ni Arnel ang nambugbog sa’yo?” bungad ni ma’am Melanie.

     Napaupo siya sa higaan niya at tumango.

“Ewan ko kung anong karma ang inabot ng mga batang yon at sabay silang naospital lahat.”

“Ha? Bakit ano pong nangyari sa kanila Ma.”

 “May mga kumuha raw sa kanila sa computer shop at sinakay sila sa van at saka iniwanang dugoan malapit sa Sampaguita Camp.” Saad ni Melanie.

“Bakit po dugoan?”

“Nabugbogbog saka pinaligoan ng dugo ng baboy.”

     Kinabahan si Bernard at baka pag-initan siya ng mga magulang nong nambugbog sa kaniya. Wala naman kasing pwedeng rumesbak sa kanila kundi siya lang.

“Teka nga, nagsumbong ka ba sa Papa mo?”

“Hindi po.”

“Bernard ha, pag ako nadamay sa gulo niyong yan makakatikim ka sa akin.” banta ng Mama niya.

   Ngayon hindi na niya alam kung kanino siya dapat mas matakot, sa grupo nila Arnel o sa mama niya.

   Hindi na siya sumagot pa, hindi rin naman siya mananalo sa guro niyang ina na lagi siyang tinuturoan ng literal na leksiyon sa tuwing sinisikap niyang mangatwiran.

    Dalawang linggo ang lumipas, nagkita sila ni Bernard at ang grupo ni Arnel, pero umiwas lang ang mga ito nang makita siya. Ni hindi nila siya magawang tingnan dahil pamamaga pa rin ng kanilang mga mata. Nasemento pa nga ang braso ni Arnel.

     Nagtataka pa rin si Bernard sa mga nangyayari pero hinayaan na lang niya na dumaan ang mga araw na hindi niya iniisip kung sino ang may gawa nito sa grupo ni Arnel. Pitong kabataan ang sabay na nabugbog at pinaligoan ng dugo ng baboy at iniwan na lang na parang mga patay sa talahiban ng Sampaguita Camp.

Advertisements

       Hanggang sa isang gabing pauwi si Shaina galing sa pinapasokang Ospital. Kakababa lang nito sa jeep na sinakyan mula sa bayan at naglalakad na pauwi sa kanila nang sipolan siya ng mga lalaking nag-iinuman. Inabotan siya ng baso ng isa sa mga lalaki pero magalang niya itong tinanggihan. Kilala ng mga ito ang Papa niya kaya tiwala siyang hindi siya gagalawin ng mga ito. Pero nagkamali siya ng akala, habang patalikod na siya sa kanila, bigla siyang hinipoan ng isa sa mga ito sa puwet. Nagtawanan naman ang iba nang makita siyang nagulat at napaigtad.

    Lumingon siya sa kanila.

“Wag naman po kayong bastos?”

“Bakit, anong gagawin mo? Isusumbong mo kami kay Julian? Eh hari ng kabastosan din yang ama mo.” sagot ng isa at nasundan ng malutong na tawanan. Naiiyak na nagmadaling umalis si Shaina. Hindi na siya sinundan ng mga ito pero hindi niya masikmura ang ginawa nila sa kaniya.

   Pagkadating ay nagsumbong siya agad kay Ma’am Melanie.

“Ma anong gagawin ko.” Iyak niya sa balikat ng ina.

“Ako ng bahala sa kanila, ipapablotter ko sila sa Police Station bukas.”

   Hindi nakatulog si Shaina ng gabing yon, tuloy pa rin ito sap pag-iyak hanggang umaga. Hanggang sa narinig na lang niya mula sa higaan ang pag-uusap ng ina niya saka ni Osing sa labas. Napatingin siya sa oras sa cellphone niya. Alas singko na nga ng umaga, hindi talaga nalelate si Osing sa pagpunta sa kanila.

     Nakita niya itong nagkakape sa sala nila paglabas niya ng kwarto. Hindi niya ito kinibo at diretso lang siya sa C.R. Paglabas niya ay wala na si Osing, may pinuntahan lang raw ito saglit at babalik din agad para ituloy ang pagwawalis niya.

     Nagpaalam ang ina niya na maagang pupunta sa Police Station nang marinig nila ang kagulohan sa ibaba, galling sa bahay ng mga nag-iinuman kagabi. Maya-maya pa dumating din si Osing.

“Anong nangyayari sa baba tay?”

“Ewan ko, pero parang narinig ko basag-basag na ang kotse nila at tinanggalan na ng mga gulong nong magising sila.”

    Natigilan si Shaina, gusto niya itong maayos pero hindi sa ganitong paraan. Hindi sa ganito kabilis na paraan.

Pages: 1 2 3

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s