ISHI

Kabanata 1

Maririnig ang maingat na pagtama ng pait sa malaking tipak ng bato mula sa naukang
pader ng isang mining tunnel. Unti-unting nabubuo ang mukha ng isang babae at lalaki sa
pamamagitan ng malikhaing kamay ng isang kabataan. Nakatira siya loob ng kweba na
nilikha ng isang lumang minahan.

Pinapalipas niya ang bawat araw sa pag-uukit sa marmol.
Habang tahimik lang na nagmamasid sa kaniya ang isang malaking aso na alaga niya.
Nakaupo ito sa sa malamig na lupang sahig ng tunnel.
Samantala, naghahanda ng mga gamit si Alyssa Vasco. Isa siyang Biologist at nagtatrabaho
sa ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kalikasan. Nakatakda siyang magpunta sa
isang masukal na kagubatan upang alamin kung mayroon pang matatagpuang mga ligaw na
orchids at iba pang ligaw na bulaklak.

Nagulat siya nang may yumakap bigla sa kanya mula sa likuran. Ang kanyang anak labing limang taong gulang na si Cassey. Bigla pala itong pumasok sa kaniyang kwarto nang di niya napapansin.
“Mommy saan ka po pupunta?” usisa ng anak niya nang makitang naglalagay siya ng ilang
damit sa bag.
“May camping adventure si mommy sa isang gubat, pero don’t worry kasama ko mga kasama
ko sa office.” aniya.
“Wow adventure, pwede po akong sumama?” naglalambing na pakiusap nito. Hinawakan
niya sa pisngi ang anak matapos isara ang zipper ng kanyang backpack.
“Delikado anak eh, three days kasi kami dun, pano ang schooling mo kung sasama ka? Don’t
worry, Mommy will take many pictures of the place na lang.” sagot niya na nakasad-face.
“Ok, pero sa vacation we will camp there kasama si daddy ha…” hirit pa nito.
“Ok po, kung magugustohan ni daddy yung place. You know naman your dad.” pabiro niyang
pangako.
“Ako pong bahala kay daddy.” anito at nagtawanan silang mag-ina.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na mula sa trabaho si Victor Vasco, ang haligi
ng tahanan. Nagtatrabaho si Vic sa Treasurer’s office ng kanilang siyudad. Dahan-dahan
nitong tinulak ang pinto ng kawarto nilang mag-asawa. Bumungad sa kaniya ang kaniyang mag-ina.

Advertisements

Napakunot ang noo niya nang makita ang kakaibang ngiti ng dalawa ng lumingon
ito sa kaniya. Lalo pa siyang nagtaka nang magtinginan ang mag-ina niya.
“Ano na naman? Sabihin niyo na nang makapagpahinga na ako.” pakli ng Victor. Ngiti lang
ang sinagot ng mag-ina niya.
“Kayong dalawa ha, akala nyo ba di ko kilala yang mga pangiti-ngiti nyo…may request na
naman kayo ano?” dugtong ni Vic na naghuhubad na ng kaniyang uniform. Nakasando siyang
umupo sa kama para harapin ang dalawa.
“Ang anak mo, gusto sana sumama sa camping namin.” sagot ni Alyssa.
“Naku, ikaw talagang bata ka, alam mo namang delikado yang mga ganyang lakad sasama ka
pa.” tutol ni Vic.
“Dad, adventure ang tawag dun.” sabat ni Cassey na di na pinahaba pa ang sermon ng ama.
“May pasok ka ah, kamahal-mahal ng tuition mo.” pabirong sumbat ni Vic.
“Yun nga sabi ko sa kaniya, kaya kung ok lang daw sa’yo….” ang pabitin na bigkas ni Alyssa.
Napasapo sa kaniyang noo si Vic matapos makita ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang
asawa.
“Pagod po ako sa trabaho…exit na ako ng makapagluto na ng haponan.” sabay tayong sabi ni
Vic.
“Dad, nakapagluto na kami ni mommy.” pigil ni Cassey sa papalabas ng ama. Huminto saglit
si Victor ngunit di pa rin binibitawan ang door knob.
“Yun naman pala eh, let’s eat na at pwede ng pakuloan ng itlog ‘tong tiyan ko sa sobrang
gutom.” ayaw papigil niyang tugon. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang humanap na
naman ng ibang pagkakataon.
Kinabukasan sa gubat na kung tawagin nilay Puting Bato Forest Reserve, nagtungo ang grupo
ni Alyssa. Kasama nila ang mga CAFGU ng nayon na malapit sa gubat at ilang kagawad ng
baranggay.
“Mga Ma’am at Sir.” tawag pansin ng isang kagawad. Napatigil sila sa paglalakad upang
pakinggan ang mga ihahabilin nito sa kanila. Lahat ng mga mata ay nakatutok kay Konsehal.
“Gusto ko lang po kayong paalalahanan na hindi po tayo pwedeng umakyat sa tuktok ng
puting marmol na bangin na inyong makikita ng malapitan mamaya. Marami na kasing
napahamak na mga hikers sa lugar na iyon na sabi nila’y nangunguha ng tao taon-taon.”
babala ng kagawad na siyang pinakamatanda sa grupo.

Advertisements

Biglang nakaramdam ng kaba ang mga kasama ni Alyssa na karamihan ay mga babae.
“Manong di kaya mapanganib kahit ang paglapit sa mismong bangin.?” tanong ng isang
babaeng biologist.
“Wag po kayong mag-alala,kabisado ng mga CAFGU ang paligid ng bangin,wag lamang po
tayong magtangka pang umakyat sa tuktok.” magalang na sagot ng kagawad sa alinlangan
nila.
Muling nagpatuloy ang pag-akyat ng grupo hanggang sa marating nila ang camping site ng
gubat kung saan ay pwede silang magtayo ng mga tent at magpalipas ng gabi.

Kumakain ng agahan ang mag-amang Vasco. Nakabihis na ang dalawa at sasabay na sa
ama si Cassey sa pagpasok sa paaralan.
“Tumawag ba sa’yo ang mommy mo?” tanong ni Vic habang nasa harap ng hapag-kainan.
“Sabi niya po sa’kin baka di raw po siya makatawag dahil for sure raw walang signal don.”
sagot ni Cassey sabay subo ng kanin.
“Hayaan mo na, tatawag din yon pag nagkasignal.” ang nasabi na lang ni Vic.
“Dad,…” nag-aalangang pakli ni Cassey. Napaangat ng mukha ang ama at napatingin kay
Cassey. Napatigil ito sa pagnguya.
“Bakit?” usisa ni Vic at uminom ng tubig panulak.
“May phobia po ba kayo sa pag-akyat ng bundok?” tanong ng anak. Napabuntong-hininga si
Vic.
“Bilisan mo ang pagkain malelate na ako…” sagot niya sabay tayo at dinala ang plato sa
kusina. Naiwang tahimik at inosente si Cassey. Nagmamadali ba talaga ang ama o iwas lang
itong ipakipag-usap sa kaniya ang nakaraan nito, ang tanging naisip niya.
Habang nakaupo sa likod ng driver’s seat, nanatiling tahimik si Cassey. Paminsan-minsan
ay sinisilip siya ng ama mula sa salamin nito sa harap.

Muling nagbalik sa alaala ni Vic ang isang pagkakamaling hindi na niya gusto pa sanang
sariwain. Dalawang taon na rin ang nakakalipas mula ng mangyari iyon. Pero parang
kahapon lang mula ng mawala sa kaniya ang isang matalik na kaibigan.
“Mas mabuti ng wala kang alam anak…” bulong ng isip ni Victor.

Muling nagpakita ang araw sa camping site ng grupo ni Alyssa at hindi siya binigo ng
tanawin mula sa kinaroroonan nila. Naghanap siya ng magandang lugar para makunan ng
magandang larawan ang pagsikat ng araw.
Nakahiligan rin niya ang photography pero hindi niya ito masyadong pinag-uukolan ng
pansin malibang kailangan niya sa trabaho niya sa pagsaliksik ng mga impormasyon tungkol
sa mga rare species ng mga bulaklak.
Napangiti siya habang binababa ang camera niyang nakabitin sa kaniyang leeg.
Napakasarap damhin ng malamig na hangin na humahampas sa kaniyang pisngi na
mahinang nagpapasayaw sa buhok niyang hanggang balikat.
Napalingon siya sa pagtawag ng kaniyang mga kasamahan. Muli na silang maglalakad
papasok sa pusod ng kagubatan kung saan ay sinasabing may natagpuang mga ligaw na
bulaklak.

Pages: 1 2 3 4 5 6 7

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s