A Sketchy Love Story

Aaliyah

Photo by Anastasia Shuraeva on Pexels.com
Advertisements

Bakit kaya kapag nananalamin ako, ibang version ng sarili ang nakikita ko? Para akong nagpeperform sa isang theatre, at kailangan ko na masunod ang role ng binigay sa’kin na character. Kailan ko kaya makikita yong totoong ako?

     Aaliyah Dela Cerna ang full name ko. Isang taon na lang, gagraduate na ako sa Senior High. Sa sarili kong reflection, nakikita ko ang simpleng teenager. Nakalugay ang buhok na hanggang dibdib. Walang ibang kaartehan sa katawan maliban sa red lipstick na palagi na lang pinapaalala sa akin ni Mama na iapply ko bago umalis ng bahay. May dala ako palagi na libro pag papasok na sa school para makuha ko yong space na kailangan ko. Which is gumagana naman, dahil walang lumalapit at hindi ko rin sila nakikita kapag naglalakad ako.

        Pagdating sa school, diretso agad ako sa paborito kong lugar sa bandang likuran ng three storey building. Gaya last year, wala pa rin namang nagbago sa daily routine ko. Basa, pasok sa school, basa ulit, kain, basa na naman, tapos tulog na. Paulit-ulit lang, pero nasasanay na ako. Ayoko muna na pumasok sa isang serious relationship dahil gusto ko munang makatapos ng pag- aaral.

      Pero….nagbago ang lahat ng makilala ko si Jace. Jace Almendral. Nabasa ko ang pangalan niya sa I.D. na nakasabit sa leeg niya. Nakaupo ako sa isang bench sa garden ng school, nang lumapit siya at nakipagkilala sa’kin. Hindi ko siya masyadong pinapansin dahil ayokong isipin na may gusto siya sa’kin. Nasa 5’7” siya at mahilig magbasketball. Pero dahil transferee, hindi ako masyadong nagtitiwala.

      Pero hindi siya tumitigil, ang akala ko nga, nagkataon lang na napadaan siya don sa paborito kong upoan. Hanggang sa halos araw-araw kung pumupunta siya don para makipag-usap sa’kin. Moss green ang paint ng mga upoan sa school. Wala namang extraordinary sa upoan pero favourite ko yong upoan na yon dahil sa walang masyadong dumadaan sa area na yon. Nakaharap pa sa mga red roses at dahlia na nakatanim sa circular na garden. Kaya feeling ko pinagawa yon para sa’kin.

Kasya ang tatlo sa upoan kaya kapag nakikiupo siya, may space pa na naiiwan sa gitna naming dalawa. Buti na lang din, walang bintana ng classroom ang nakaharap sa garden na yon. Hindi ako masyadong makwentong bata. Tahimik lang talaga ako, kaya wala pa akong nagiging close friend. Nilalayuan nila ako dahil siguro iniisip nilang wala naman silang mapapala sa’kin. Pero iba si Jace. Kahit siya lang ang salita ng salita habang nakaupo lang ako na nagbabasa ng libro na nabili ko sa garage sale, hindi siya nagsasawa kahit hindi naman ako kumikibo.

Advertisements

      Malayo pa lang siya, alam ko na kapag papalapit na siya, dahil sa pagdidribble niya ng bola. Tulad ngayon, nararamdaman na naman ng sapatos ko ang pagnginig ng ground sa pagpapatalbog niya. “Mahilig ka pala talagang magbasa?” anang boses sa likuran ko. Si Jace.

Umupo siya kaagad sa dulo ng upoan. Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Lagi na lang siyang ganito, kung kailan nasa exciting chapter na ako ng binabasa ko, saka siya sumusulpot.

“Dapat yata sa SPED ka nag-aral. Pipi ka ba?” anas niya at nagpatalbog na naman ng bola sa ground. Tinigil ko muna ang pagbabasa ko at nilingon ko siya.

“Hindi ah.” matipid ko na sagot.

Abot-tenga ang ngiti niya nang marinig niya ako na nagsalita. Lumiwanag bigla ang mukha niya. Inayos niya pagkakaupo niya at saka dinikit ang bola sa tiyan niya.

“Bakit mo nakahiligang magbasa?” tanong pa niya habang nakatingin sa mukha ko. Hindi ako makasagot. Paano ko ieexplain sa kaniya na nagsimula to dahil sa isang manuscript na napulot ko na nakalutang sa baha na pumasok sa loob ng bahay. Kailangan ko ba talagang sagotin ang tanong niya?

“Siguro dahil sa nakikita ko yong reality sa tahimik na paraan.” sagot ko. Napangiti siya. Umiwas ako ng tingin. Ayokong mahulog sa mga ngiti niya. Ibinalik ko ang focus ko sa pagbabasa. Nang bigla siyang may binanggit na pamilyar na line ng isang tula.

“Tahimik, ang pinapakita ay katotohanan. Laging tapat at maaasahan.” aniya. Napatingin ako bigla sa mukha niya. “Anong sabi mo?” tanong ko at baka nagkamali lang ako ng nadinig.

Advertisements

“Tahimik, ang pinapakita ay katotohanan. Laging tapat at maaasahan.”

“Saan mo nakuha yan?” usisa ko.

“Nabasa ko rin. Akala mo ikaw lang ang nagbabasa ha. Hindi ko na maalala kung saan. Pero sigurado akong ang tinutukoy ng makata ay libro.” masigla niya na tugon.

Seryoso siya. Libro nga kaya? Matagal ko na rin na pinag-iisipan kung ano ang possible na meaning ng line na yon, pero parang tama siya.

“Kilala mo ba kung sino ang nagsulat ng tula na yan?” sunod ko na tanong.

“Hindi eh. Pero pag nabasa ko ulit sabihan kita. Wait lang,….bigla ka atang naging matanong? Samantalang nong nakaraang mga araw ay halos mapaos na ako sa kakasalita rito.” biro niya.

“Ah, wala. May naalala lang.” Tumayo na ako.

“Sige Jace alis na ako. Malapit na rin magring ang bell.” paalam ko at nakayukong dumaan sa harap niya. Hindi ako mapakali, pag-uwi ko umakyat agad ako sa hagdanan ng bahay namin. Nagtataka na sinundan ako ng tingin ni Mommy dahil sa bilis at bigat ng mga hakbang ko. Gumawa ng ingay sa kahoy na hagdanan ang hakbang ko.

    Decade old na rin yong bahay kaya konting galaw lang parang nanginginig na ang mga pundasyon. Hinalungkat ko ang mga gamit sa box ng rhum. Puno to ng mga lumang gamit, mga sirang gadget, putol-putol na wires at mga lumang notebook. May hinahanap akong isang item. Nakita ko na, nakalagay sa plastik na tumbler ng tubig. Kasinlaki at kasinhaba ang tumbler sa lagayan ng Pringles. Nasa loob ang nakaroll na mga page ng manuscript na naubos ko ng basahin three years ago. Ito yong napulot ko na nakalutang sa baha sa loob ng bahay.       

Binalikan ko ang first page. Nakasulat don ang tula na nabanggit ni Jace. Kaya kahit papaano ay nabuhayan ako. Tingin ko malapit ko ng mameet ang author dahil sa tulang sinulat niya sa unang page ng manuscript. Walang nakalagay na pangalan ng author kaya ang clue lang na meron ako ay ang tula.      

 Hindi kaya sikat na writer na ang author ng nakuha ko na manuscript? Kung ganon nga ang nangyari, mas lalo ko siyang gustong makilala. Gusto ko rin sana na itanong kung pano natapos ang story niya. Dahil tingin ko, isang chapter na lang, matatapos na ang nobela. Gusto ko rin malaman kung bakit hindi niya hinanap ang nawawala na manuscript. Marami akong tanong. Higit sa lahat, gusto ko siyang maging kaibigan at mapasalamatan sa binigay niya na magandang twist sa buhay ko.

Pages: 1 2 3 4 5 6 7

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s