A Sketchy Love Story

Jace

Photo by THE 5TH on Pexels.com

          Jis, Jessey, Jas, yan ang karaniwang basang iba sa pangalan ko. Wala namang masama kung alin diyan ang itawag sa akinng mga tropa ko. Ang problema, sa bago kong nilipatan na eskwelahan, wala pang tumatawag sa akin sa pangalan. Panay ‘Hoy’, ‘Classmate’, ‘Pre’ at ang sawa na akong marinig, “Pogi”.

   Ewan ko ba kung bakit sila napopogian sa akin.Siguro dahil palaging nakaayos ang buhok ko at hindi pa ako lumabas ng bahay na hindi nakaayos ng suklay. Pero pre, hindi sa humble ako, pero hindi ko nakikitaan ng katiting na kapogian ang sarili ko. Childhood crush ko nga hindi ako pinapansin.

       Sa nilipatan kong bagong school, nakilala ko siAaliyah. Hindi ko siya kaklase pero madalas kosiyang nakikita sa tuwing pupunta akong basketballcourt ng school. Nakaupo ng mag-isa at nagbabasang libro.

Advertisements
Advertisements


Napahinto ako at naisip kong baka bagong lipat din siya. Parang ako lang, walang kakilala, at ang pagkakaiba lang namin, libro hawak niya, sakin naman bola. Pero hindi, sadyang gusto lang talaga niyang mapag-isa. Kapiling ang kaniyang libro na lagi niyanghawak saan man siya magpunta. Ang hindi ko lang talaga maunawaan, bakit hindi na lang siya gumamit ng bookmark para hindi na niya kailangan pang isiksik ang hintuturo niya sa pahina kung saan siya huminto.

      Lumipat ako ng school dahil pagkatapos ng apat na taon na pag-aaral sa probinsiya, naisipan ng mga magulang ko na magkabalikan. Naghiwalay kasi sila kaya napunta ako ng probinsiya kasama si Mama. Lumaki ako na busog sa pagmamahal at kalinganilang dalawa. Wala naman sigurong perpektong pamilya kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa hiwalayan. Pero nito ngang taon na to, nanaig ang pag-ibig nila sa isa’tisa.
     Hanga ako sa Papa ko dahil siya ang unang nagpakumbaba, binibisita niya ako sa probinsiya at
patuloy na sinuyo si Mama. Taon-taon tuwing anniversary nila, bumabiyahe pa siya ng malayo mapuntahan lang kami at dalhan ng bulaklak at cake si Mama. Yun na nga, ang resulta, balik Maynila ako.

       Masaya naman ang naging buhay ko sa probinsiya. Marami akong napuntahang magagandang lugar. Sariwa ang hangin, sariwa ang pagkain at tahimik ang paligid. Pero kung meron man akong gustong makita ulit ay ang childhood crush ko. Dalawang kanto ang layo ng bahay namin sa kanila pero dahil naglalakad lang ako papunta sa public school na pinapasokan ko noon, lagi kong nadadaanan bahay nila.    

       Lagi siyang nakaupo saterrace nila para mag-aral. Puno siya ng ng kaartehan sa mukha. Kikay kung ilarawan ng mga kapitbahay niya. Siguro nga dahil sa nag- iisang anak lang siya at lumaking spoiledbrat. Ganon pa man, gusto ko yong pagkakatali ng kaniyang buhok, at wala akong pakialam kung
sabihin man nilang mukha siyang nadapa sa harina. Ang problema ko lang, hindi ako kailanman
nagkalakas loob na lapitan siya at alamin ang kaniyang pangalan. Hanggang sa dumating na yong
araw na dalhin ako ni Mama sa probinsiya niya.

       Aaminin ko, ang unang bagay na ginawa ko pagbalik ng Maynila ay ang puntahan siya sa bahayniya. Pero lumipat na daw sila sabi ng mga kapitbahay. Iba na raw ang may-ari ng bahay naiyon. Kaya umuwi akong bagsak ang balikat. Nanghihinayang na hindi ko man lang siya nakilala. Kahit pangalan man lang niya sana.
Nasaan na kaya siya ngayon? Sana naman ok lang siya at sana naman….
Natauhan ako nang biglang may bumusina saharap ko. Si papa. Dala ang minamaneho niyang
kotse na ginagamit niya bilang TNVS driver.
“Tulala ka naman, sino ba yan, baka gusto mong ipakilala sa akin.” biro ni Papa nang makasakay na
ako.
“Wala.” natatawang tanggi ko.
“Basta sabihan mo lang ako. Sasamahan pa kitamanligaw.” panunukso pa niya at isinentro ang tingin
sa kalsada.
“Oo na. Sige. Ikaw unang makakaalam pag meronna.” sakay ko na lang sa biro niya.
    Mabiro talaga ang Papa ko. Mabait, magalang, masipag, lahat na yata ng magagandang katangian
meron siya. Hindi ko naman sinasabing Mama ko ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay, pero yun talaga ang lumalabas na totoo. Ang mahalaga naman, nagkaayos pa sila at unti- unting binabalik ang pagmamahalan sa relasyon nila.

Advertisements


Balikan ko lang si Aaliyah. Nang unang araw na
lapitan ko si Aaliyah, ramdam kong hindi siya sanay
na may lumalapit sa kaniya lalo na at lalaki ako.
Tingin ko nga naaabala ko na siya. Pero may kung
anong magnet na humahatak sa akin para lapitan
siya sa tuwing mag-isa siyang nakaupo sa parehong
upoan. Nong una gusto ko lang makipagkilala, pero
nong huli, para bang pakiramdam ko, matagal ko na
siyang kilala.
Lalo ko pang napatunayan nang banggitin ko ang
isang linya ng tula. Nagulat ako at nagtaka sa
reaksiyon niya.

      Saan niya kaya nabasa ang tulang iyon? Paanong nangyaring nabasa niya ang tulang iyon? Nagkakilala na ba kami, naging schoolmate, o classmate? Wala akong maalala kahit anong pilit ko. Pinilit ko na balikan ang mga picture ko noong Elementary kung may makapagpaalala sa’kin ng pangalan niya. Pero wala talaga akong mahanap na sagot sa kung paanong nabasa niya ang tulang iyon. Tula na sinulat ko, limang taon na ang nakalipas.
Hindi kaya may gumamit sa tula ko o kinopya ito kaya nabasa niya? O baka naman isa lang siya sa
naging schoolmate ko na nakabasa ng school paper namin.
      Ewan, pero aaminin ko nagustohan ko kung paano niya banggitin ang pangalan ko sa kauna-unahang
pagkakataon — Jeys.

Pages: 1 2 3 4 5 6 7

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s