Aaliyah

Hands down ako sa pagkacreative ni author. Nagsimula ang manuscript niya sa journey ng isang lalaki kasama ang bestfriend niya papunta sa isang sikat na painter. Hanggang sa
nagflashback sa araw na nakita niya ang 15 years old na portrait sa loob ng wardrobe.
Fifteen years ago nang ipinta ito base na rin sa nakalagay na date sa lower right portion ng obra.
Nakatayo ang aparador sa loob ng basement ng bahay na nabili niya at nilipatan. Francis ang pangalan ng protagonist. Nang malaman ni Francis na ang portrait ng isang magandang babae ay ipininta ng sikat na painter, hinanap niya ito.
Sa kwento, nahanap ni Francis ang painter na naging farmer na, pero wala na itong interes sa
pagpipaint. Umuwi si Francis kasama ang kaibigan na bigo sa sadya nila na malaman kung sino ang nasa portrait. Hindi na niya tinanong pa ang pintor kung sino iyon dahil una pa lang, sinabi na nito na basura ang tingin niya sa mga ipininta niya at nakalimotan lang daw niya na itapon bago siya umalis sa lumang bahay.
Pero biglang nagkaroon ng major twist ang story. Habang on the way sila papauwi, tumawid sa harap
nila habang nakahinto sila sa stoplight ang isangbabae na halos kamukha ng nasa portrait. Office girl
ang babae, nasa mid 20’s. Pero naisip ko na imposible naman na siya din yong babae sa portrait dahil nga 15 years old na ang painting. Nagpatuloy ang story sa paghahanap nila sa babaeng kamukha ng nasa portrait. Hanggang sa nainlove si Francis sa babae.
Nong una, hindi niya sinabing kaya niya niligawan si girl dahil sa kamukha ito ng nasa portrait. Pero nakita ng girl ang portrait nang hindi nito sinasadya nang nakapasok siya sa basement at nakita niya don ang painting. Kaya napaamin tuloy si Francis at inexplain niya ang totoong nangyari. Nilinaw niya na mahal niya to hindi dahil sa kamukha ito nong nasa painting. Hindi tinanggap ng girl ang katwiran ni Francis kaya nagpakalayo ito.
Pero later nareveal na hindi naman talaga dahil don kaya biglang nawala sa eksena si girl. Nag-investigate din siya sa mga nangyari sa past niya 15 years ago.
Doon na natigil ang kwento. Gusto ko sanang dugtongan ang kwento ng happy ending, pero hindi ko kaya. Hindi dahil sa hindi ko alam kung pano, pero dahil sa tingin ko, nakadepende ang ending ng kwento sa mismong nag-akda nito. Magtapos man ang story niya sa hindi ko gustong paraan, at least alam ko na may dahilan ang author kung bakit niya to tinapos yon ng ganon. Bahala na siya sa pagtapos sa kwento na siya naman ang nagsimula. Ang problema lang, hindi ko siya mahanap at hindi rin niya hinahanap ang nobela. Hindi kaya dahil nirewrite na niya ang story at binigyan na ng ending?
Nilagay ko ulit sa bag ang ilang page ng nobela at plano ko na dalhin to sa Bookstore.
Madilim na sa labas ng Mall. Pumasok ako sa malinis at maayos na bookstore. Siguro three to four times a week ako kung dumaan dito mula ng nakahiligan kong magbasa.
Kompleto ang bookstore sa lahat ng category ng fiction at non-fiction. Lumapit ako kay Ate na nagaayos ng mga aklat sa isang estante. Nakasalamin siya at nakapusod ang buhok. Sa titig niya sa mga aklat at sa paraan niya ng paghawak, nahahalata kung gaano siya kapamilyar sa bawat libro. Siya na nga siguro ang hinahanap ko.
Sinilip niya ako mula sa gilid ng kaniyang salamin.
“Aaliyah, tama ba?” nakangiti niyang bati.
Hindi ko sinasadya pero napangiti ako dahil sa pagmention niya sa first name ko.
“Opo.” nahihiya kong sagot.
“Natapos mo na bang basahin yong binili mo three days ago?”
Natigilan ako. May pagka-creepy pala ang mga nagtatrabaho dito. Required ba na tandaan nila ang galaw ng regular costumers nila?
“Ah opo.”
Ngumiti siya pati na rin ang mga mata niya sa likod ng makakapal na lens.
“Pasensiya ka na kung sa tingin mo masyado kitang napapansin. Pero sa tagal ko ng nagtatrabaho
ito, kilala ko na kung sino ang talagang nagbabasa ng aklat na binili nila.” aniya na may tuldok na ngiti.
“Ok lang po.” tugon ko sabay ngiti.
“Anong gusto mong malaman mula sakin?” tanong pa niya.
Para akong poste na hindi makagalaw. Paano niya nalaman na hindi ako dumaan para bumili ng libro?
“Akin na. I will try my best.” nakabukas ang mga palad niya sa harap ko, naghihintay na ilagay ko sa kamay niya ang pages ng manuscript.
Hindi na ako nagsalita, kinuha ko sa bag ang mga papel saka ko nilagay sa palad niya.
Hindi niya inalis ang tingin sa’kin habang binubuksan niya ang bawat page.
“Gusto mo bang malaman kung nabasa ko na ang
nobelang ito?” tanong ni Ate habang hinahagod ng tingin ang mga nakasulat sa bawat pahina.
“Opo, sana.”
Naging tahimik kami parehas habang binabasa niya ang preface ng nobela at ang mga kasunod na
pages. Hanggang sa tumigil na sa paggalaw ang mga mata niya.
“Well, sa tingin ko hindi pa. Ibig sabihin lang, hindi pa ito naipapublish.” aniya sabay abot na sa’kin
ng mga papel. Hindi ko na natago ang lungkot sa mukha ko.
Dahan-dahan na binalik ko sa bag ang manuscript.
“Pero tingin ko, kilala ko kung sino ang nagsulat ng tula na nasa first page.” pakli ni Ate. Napako ang tingin ko sa kaniya.
“Sino po?”
Ngumiti muna siya bago sumagot.
“Mabuti pa pumunta ka sa isang elementary school at ipagtanong mo kung sino ang nagsulat ng
tula. Dati akong naging judge ng poetry writing sa school na ‘yon kaya sigurado akong nabasa ko na
ang linya ng tulang yan.” aniya.
“Ano pong school?”
Plano ko na daanan na lang ang school bukas pagkatapos ng klase. Malapit lang naman sa bahay namin kaya makakauwi pa rin ako ng maaga. Ayaw pa naman ni Mama na nauunahan pa niya ako sa pag-uwi sa bahay. Sa tagal ng paghihintay at paghahanap ko sa author, feeling ko ilang steps na lang ang layo ko. Sa wakas, mamimeet ko na rin siya.