A Sketchy Love Story

Aaliyah

Napangiti ako habang nakatingala sa mga puno ng Mangga na malapit sa gate. Ang tataas na nila. May mga seedlings pa na tumubo sa gutter ng guard house. Pero ang mga Narra parang hindi naman nagbago, ganon pa rin sila kalalaki. Nadagdagan na rin pala ng two storey classrooms ang school na to.

   Hindi nga lang ako nakapag-aral dito kahit malapit lang naman sa bahay namin. Sinabi ko kasi sa parents ko na ayokong mag-aral kung sa public school nila ako ipapa-enroll.
Kainis, ang arte ko pala nong bata pa ako. Laging gusto ko ang nasusunod dahil kung hindi iiyak ako. Hanggang sa hindi na nila ako matiis. Nag-iisa lang kasi akong anak kaya lahat ng atensiyon nila nasa
akin.

Pagkatapos magpaalam kay manong guard, pinayagan niya ako at itinuro pa sa akin ang office ng school paper staff. Katabi lang sila ng principal’s office. Kumatok ako ng dalawang beses. Bumukas ang pinto at sumilip ang lalaking teacher. Sumalubong sakin ang lamig ng aircon mula sa loob ng opisina nang lumabas si Sir. Pinapasok niya ako. Tatlo silang nandon. Nang sinabi ko ang tungkol sa pinunta ko,
nagkatinginan sila.

     Tinanong nila ako kung anong year sabay harap sa mga folders na naka-arrange sa bukas na cabinet. Hinugot ng isang teacher ang ang hinahanap ko. Siguro iniisip nila na baka dating estudyante ako dito kaya wala na silang iba pang tinatanong tungkol sa’kin. Hindi man lang nila tinanong kahit ang first name ko.
“Bakit mo nga pala kailangan? May hinahanap ka bang dating naging contributor ng school paper?”
usisa ng isang guro. Ngumiti ako.
“Opo. Pero hindi ko po alam ang name niya. Nabasa ko lang po yong tula niya sa isang
manuscript.” sagot ko.
“Anong tula?” halos sabay nilang tanong. Kinuha ko sa bag ang first page ng manuscript at ipinakita sa kanila. Pinagpasapasahan nila ang pahina hanggang sa may isa sa kanila ang nakaalala.
“Naalala ko to. Isa sa mga estudyante ko dati ang nagsulat nito. Bakit mo nga ulit hinahanap si Jace?” anang isang teacher na babae na nasa 40’s na ang edad.

Advertisements

 Nagkamali lang ba ako ng dinig?
“Si Jace po ba ang nagsulat niyan?”
“Oo, si Jace Almendral.”
Natulala ako. Hindi ko maintindihan kung paano….

Inabot sa’kin ng teacher ang school paper sa mismong page na nakasulat ang buong tula.


“Tapat Na Kaibigan”
Ni: Jace Almendral
Tahimik, ang pinapakita ay katotohanan
Laging tapat at maaasahan
Wala akong pwedeng ikubli
Agad niya itong sinasabi
Para maitama ko pa dumi’t kalat
Bago pa maging huli ang lahat
Nang ako’y makapag-ayos, makabihis
Manatili man ako o tuluyang aalis


“Dalhin mo na yan. Ikumusta mo na lang ako kay Jace kung magkita man kayo.” ang bilin ng teacher
sakin.

Advertisements

Matapos magpaalam, lumabas ako ng pinto ng office na walang gustong puntahan. Dinala ko ang school paper pero wala na akong planong buksan pa ‘to ulit. Kakausapin ko muna si Jace. Dinala ako ng mga paa ko sa lumang bahay namin. Umakyat ako at naghalungkat ng mga lumang gamit ni mommy na nakastock sa aparador.

Hinahanap ko ang mga photo album. Nang biglang may kumalabog sa ground floor ng bahay. Dali-dali akong bumaba para silipin kung sino ang nandon. Nakita ko ang lalaking nakahoodie na nagmamadaling lumalabas ng bahay. Sinundan ko siya hanggang sa labas ng gate. Palingon-lingon ako sa paligid pero hindi ko na siya makita.

   Ang bilis niya. Inikot ko ulit ng tingin ang paligid. Nakita ko ang mga kapitbahay namin na nakatingin sa akin. Binuksan pa ng iba ang kanilang bintana para makita ako. Halatang ako na naman ang pinag-uusapan nila.
Lagi na lang ganito ang nangyayari kapag lumalabas ako ng bahay. Kapag nakatingin sila sa akin feeling ko kulang na lang lumabas sila at pagtulungan akong sabunotan at pagsasampalin.
Siguro nga ganon kalaki ang naging kasalanan ko sa tingin nila. Hindi ko rin naman sila masisisi kung hanggang ngayon hindi pa rin nila ako nakikita kung panong nakikita ko ang sarili ko ngayon.

Pumasok ulit ako sa bahay at nagbulag-bulagan sa mga nakita ko. Pinagpatuloy ko na lang ang paghahanap sa mga photo album. Nakita ko ang isa sa mga hinahanap ko. Pagbukas ko, nakafocus agad ang tingin ko sa mukha ko na nakatawa at nakangiti. Wala akong ibang nakikita kundi ang sarili ko.

   Parang naka-bokeh effect ang mga pictures dahil mukha ko lang ang malinaw. Hanggang sa mga lumang picture ko na nga lang siguro makikita ang sarili kong nakangiti at totoong masaya. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko sa plastic cover ng mga pictures.
Pinunasan at pinasok ko sa bag ang dalawang photo album. Ayaw ni mama at papa na inilalabas ko ang mga to at dinadala. Pero mula lang sa mga pictures na ito ako humuhugot ng lakas. Ito ang happy pill ko para gumising, bumangon at harapin ang mga hamon sa buhay.
      Sumilip ako sa bintana, nakatingala ang mga kapitbahay habang nakatingin sa akin. Iniwas ko na lang ang tingin ko at bumaba na. Pagdaan ko sa kalsada pauwi, para akong dumadaan sa gitna ng sementeryo dahil sa katahimikan. Nakakatakot na katahimikan na parang sumisigaw sa isipan ko.

Advertisements


Pages: 1 2 3 4 5 6 7

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s