A Sketchy Love Story

Jace

         Isinandal ko ang sarili sa pader ng kapitbahay. Pinahinga ang pagod na paa matapos ang mabilis na pagtakbo. Hinihingal at tumutulo ang pawis mula sa hibla ng mga buhok ko sa batok. Nakilala niya kaya ako? Siguro naman hindi. Kaninang umaga ay naghintay ako sa palaging inuupoan ni Aaliyah, pero hindi siya dumating. Umuwi akong hindi man lang siya nakikita kahit saglit lang. Tapos heto ako ngayon tumatakas mula sa kaniya.

        Muntikan na niya akong abotan. Mabuti na lang napansin ko agad ang pagdaan at pagpanhik niya sa taas. Pagkakataon ko na sana para tumakas kung hindi ko lang nasagi ang shoe rack na nakaharang sa daanan palabas. Pinagpatuloy ko ang paglalakad pauwi. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita kong picture frame na nakasabit sa magulo at maalikabok na sala. Larawan iyon ng childhood crush ko.     

        Napakaganda niya sa mga larawang yon. Gaya ng pagkakatanda ko sa kung paano siya manamit at mag-ayos. Kaya hindi ko maunawaan kung bakit paglipas lang ng ilang taon ay bigla siyang nagbago. Napakalaking pagbabago na naging dahilan para hindi ko siya makilala. Siguro nga dahil hindi ko naman talaga siya kilala pa. Dahil wala naman talaga akong ginawa para makilala siya. Tinulak ko ang gate at binuksan ang pinto. Tahimik ang loob ng bahay. Hindi pa rin nakakauwi si papa. Inaasahan ko na, na matatraffic siya ngayon kaya hindi ko na siya inantay.

“Ma, andito na po ako.” tawag ko kay mama habang hinuhubad ko ang sapatos at medyas para makahinga ang paa ko. Walang sumagot mula sa taas.

Advertisements

Hindi naman umaalis si Mama ng bahay nang hindi tumatawag sa akin kaya alam ko na nasa taas lang siya sa kwarto nila. Pinasok ko ang medyas sa sapatos at nilagay ito sa shoe rack. Bitbit ang bag ay umakyat ako sa taas para silipin si Mama. Kumatok ako sa pinto pero walang sumasagot. Kumatok ako ng dalawang beses pa.

“Saglit lang anak. May ginagawa pa ako.” sagot ng boses mula sa loob. Napansin ko kaagad ang garalgal na boses ni Mama. Hindi ko man siya nakikita ay alam ko na umiiyak siya. Hindi ko dinig ang hagulhol niya pero alam ko kung ilang patak na ng luha niya ang tumulo sa sahig. Hindi ko na tinuloy pa ang paghawak sa door knob. Umatras ako.

“Ok ma. Bihis lang po ako.” sagot ko na lang. Saka ako pumasok ng kwarto. Inihiga ko na lang ang mga palaisipan. Sana hindi ito kasing seryoso ng iniisip ko. Alam ko na may nangyayari na namang mali sa bahay kapag wala ako. Pero segurado ako na bukas din o kaya pagdating ni Papa mamaya ay maaayos din nila ito. Bigla na namang pumasok ng walang paalam si Aaliyah sa isipan ko.

      Napapangiti ako kapag naaalala ko kung paano ko siya inaabangan kapag dadaan siya harap ng bus stop sa kanto sakay ng kotse nila. Kung minsan ay natatagalan siya kaya nalelate din ako. Hindi ko na rin mabilang kung ilang tula na ang nasulat ko tungkol sa kaniya. Siya ang naging inspirasyon ko sa pagsusulat. Parang musikang nagbibigay buhay sa malungkot kong puso noon.

Ewan, pero bakit kaya parang hindi ako pwedeng magmukhang mahina? Na para bang ang pag-iyak ko ay isang malaking kahinaan. Mabuti na lang at naisusulat ko sa papel ang lahat ng nasa isipan at puso ko. Minsan sa sobrang sakit, hindi ko na alam kung ano ito kaya kailangan ko pang isulat para mabasa ko at maunawaan ang sarili kong nararamdaman.

Advertisements

       Iniisip ko kung paano ko siya haharapin bukas na para bang walang nangyari. Paano ako magpapanggap na wala akong ibang nararamdaman sa kaniya? Paano ko siya kakausapin na hindi ako mahahalatang kinakabahan? Baka pipiyok pa ako, wag naman sana.

Bakit ganito, di ba dapat ay masaya ako at nakilala ko na siya? Pero bakit para akong bata na papasok sa paaralan sa kauna-unahang pagkakataon. Wag na lang kaya ako pumasok muna bukas. Hindi pwede, malapit na ang exam.

     Aaliyah…bagay sa kaniya ang pangalan niya. Tumayo ako at humarap sa salamin. Gusto kong magpractice kung paano siya haharapin bukas.

“Hi Lei,…ang pangit. Hi Aaliyah. Hi Liya. Hi Aali. Ano kaya…tsskk.” napaupo ako sa higaan ko.

 Habang nakaharap pa rin sa salamin. Iniisip ko kong tama ba na tawagin ko siya sa pangalan niya. Alam ko nga pangalan niya pero bakit parang ang hirap nitong bigkasin. Napahiga na lang ako sa inis sa sarili.

        Hindi ko alam kung isang pagkakamali ba ang ginawa kong pagpasok sa lumang bahay na iyon. Pero sana nga hindi na ako pumasok pa. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya haharapin bukas. Pero sigurado ako na kapag nagkita kami ulit sa paborito niyang upoan, hindi ko na makikita ang Aaliyah na nakilala ko ilang buwan lang ang nakalipas.

Advertisements
Pages: 1 2 3 4 5 6 7

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s